Paglilinis at pag-aalis ng kalat
Sunog sa Los Angeles Ngayong 2025

Ang paglilinis at pag-aalis ng kalat pagkatapos ng mga wildfire ay isang proseso na may 2 yugto. Puwede mo itong ipagawa nang libre.

Ika-1 Yugto Paglilinis ng mapanganib na basura
Ika-2 Yugto Pag-aalis ng kalat

Kapag tapos na ang parehong yugto, handa na para sa muling pagpapatayo ang iyong ari-arian.


Ika-1 Yugto

Paglilinis ng mapanganib na basura

Sa Ika-1 Yugto, nilinis ng U.S. EPA ang mga pang-araw-araw na produkto na nasa iyong tahanan at puwedeng maging mapanganib.

Kabilang sa mga ito ang:

  • Mga baterya
  • Mga panlinis at solvent
  • Mga fertilizer at pesticide
  • Mga pintura at langis
  • Mga propane tank at iba pang pressurized na produkto

Tapos na ang paglilinis ng Ika-1 Yugto. Awtomatiko ito para sa lahat ng residensyal na ari-arian.

Libre para sa iyo ang paglilinis na ito.

Paliwanag sa mga status ng paglilinis

Pagkatapos ma-assess ng EPA ang iyong ari-arian, binigyan nila ito ng status.

Ipinaskil nila ang status na iyon sa isang karatula sa iyong ari-arian.

Puwede mo ring tingnan ang mapang ito ng EPA para sa status ng paglilinis ng iyong ari-arian.

Tapos na ang Ika-1 Yugto

Ang ibig sabihin ng status na ito ay natapos na ng EPA ang kanilang paglilinis.

Gayunpaman, posibleng hindi pa rin ligtas ang iyong ari-arian. Puwedeng mayroon pa ring

  • Mapanganib na basura na nakabaon
  • Mga panganib sa kalusugan tulad ng abo at asbestos
O

Ipinagpaliban sa Ika-2 Yugto

Ang ibig sabihin ng status na ito ay hindi ligtas na malilinis ng EPA ang iyong ari-arian hanggang sa maalis ang kalat.

Lilinisin ito sa Ika-2 Yugto.


Ika-2 Yugto

Pag-aalis ng kalat

Kung mag-o-opt in ka para sa libreng pag-aalis ng kalat sa Ika-2 Yugto, aalisin ng Hukbo ng Mga Inhinyero ng Militar ng U.S. (U.S. Army Corps of Engineers, USACE) ang mga kalat mula sa gusali.

Kabilang dito ang:

  • Mga napinsalang pundasyon
  • Mga nasirang sasakyan
  • Mga puno na mapanganib
  • Kontaminadong lupa
  • Asbestos
  • Abo

Basahin ang dapat na asahan sa Ika-2 Yugto.

Tingnan ang progreso ng gawaing ito sa mapa ng pag-aalis ng kalat ng USACE.

Saan napupunta ang kalat

Itatapon ng mga manggagawa ang mga kalat sa paraang napoprotektahan ang kalusugan ng publiko at ang kapaligiran.

Alamin pa sa Mga Kalat mula sa Wildfire sa Mga Landfill ng CalEPA.

Ang kailangan mong gawin

Kung nag-opt in ka

Walang gastusin na mula sa sariling bulsa para sa serbisyong ito. Kung mayroon kang insurance, sisingilin ang iyong insurer.

Sa panahon ng libreng pag-aalis ng kalat, aalisin ng USACE ang mga puno na mapanganib. Pero puwede mong hilingin sa kanila na huwag alisin ang mga partikular na puno.

  • Tungkol sa proseso ng waiver
  • Paliwanag sa mga marka sa puno
  • Form ng waiver (PDF)

Kung nag-opt out ka o na-miss ang deadline

Kailangan mong ayusin at bayaran ang pag-aalis ng kalat. Dapat mong:

  • Mag-arkila ng lisensyadong specialized na kontratista
  • Mag-hire ng sertipikadong consultant para maipatingin kung may asbestos ang iyong ari-arian
  • Kumuha ng fire debris removal permit mula sa LA County bago ang Hunyo 1, 2025
  • Tiyaking sinusunod ng iyong kontratista ang lahat ng panuntunan ng gobyerno para sa ligtas na pag-aalis ng kalat
  • Kumpletuhin ang proseso ng pag-aalis ng kalat bago ang Hunyo 30, 2025

Kung kailangan mo ng tulong

Mga tanong tungkol sa paglilinis sa Ika-1 Yugto

Tawagan ang Ahensya ng Proteksyon sa Kapaligiran (Environmental Protection Agency, EPA) sa 833-798-7372 (TTY: 711)

Mga tanong tungkol sa Ika-2 yugto ng pag-aalis ng kalat

Higit pang impormasyon tungkol sa paglilinis at pag-aalis ng kalat

LA County Recovers